Unfair. Baket? Simple lang naman yon. Ang taong mahal mo, pinapabayaan ka, pinapaiyak at sinasaktan. At ang taong hindi mo naman mahal ay ginagawa ang lahat para lang maging masaya ka. Nakakalungkot lang kasing isipin eh. Parang ganito lang:
Siya, gumagawa ng paraan para ngumiti ka at maging masaya. Mahal mo, ginagawa ang lahat ng dahilan para masaktan at umiyak ka. Siya, sobrang thoughtful. Mararamdaman mo talaga na someone cares about you. Mahal mo, wala lang. Nandyan. Magttext pag kailangan ka na. Siya, kinakamusta ka lage (kahit minsan patago. Sa mga kaibigan mo pa nagtatanong. Haha) Mahal mo, wala lang. Kahit umiyak ka na ng ilang baldeng luha, wala pa ren. Siya pa ang magagalit dahil umiiyak ka na naman. SIya, makita ka lang ngumiti, kumpleto na ang araw niya. Mahal mo, humalakhak ka na't lahat, parang may kulang pa rin. Siya, kaibigan lang ang turing mo. Mahal mo, mahal na mahal mo na lahat ibigay mo na ang lahat, wala pa ren.
Masakit talagang malaman ang katotohanan. Alam ko hindi naman lahat ng sitwasyon e kagaya ng sinabi ko. Base lamang yan sa observation ko. Isa pang masakit na katotohanan na halos lahat kaming babae e naranasan na. Eto:
STAGES:
1). Pag pumoporma lang - ikaw lagi ang nakikita. Kung nasan ka, nandun din siya. Lahat ng kabarkada mo, kakunchaba niya. Sa kanila niya tinatanong ang mga bagay na gusto mo at ayaw mo. Sa kanila din siya nagtatanong ng kung anu anong bagay. Medyo sweet at thoughtful na. At medyo madalas na yan magtext.
2). Pag aamin na - sweet at thoughtful na yan. Nagpaparamdam na at nagbibigay ng mga sinyales na aamin na siya. Napapadalas na rin siyang magtext at madalas ka ng lapitan sa school.
3). Pag nanliligaw na - eto na ata ang pinakamagandang stage dahil sobrang sweet niya sayo, sobrang thoughtful, sobrang baet, sobrang caring, sobrang baliw sayo. Lahat na ng sobra nandito na. Nagbibigay na ng mga chocolates, teddy bear o kung anu man ang pwedeng ibigay sa babae. Dito mo mararamdaman na mahal ka talaga niya dahil gagawin niya ang lahat, mapasagot ka lang niya. Lahat ng pwedeng gawin, sigurado, gagawin niya. Sobrang magtitipid na siya para lang may maibigay sayo.
4). After sinagot, first 3 months - parang panliligaw stage palang din to. Sweet pa siya, caring, thoughtful at lahat na. Maganda pa ang pagsasama niyo dito.
5). Habang tumatagal - dito mo na makikita ang totoo niyang ugali at motibo. Napapadalas na ang awayan niyo. Hindi na siya kasing sweet ng dati. Nagiiba na ang ikot ng mundo. Nagiiba na kayo. May mga bagay na maliit lang na pilit niyong pinapalaki. Lahat na lang ng pwedeng excuses, sasabihn niya para magpalusot. Lahat na lang ng bagay, big deal. Lahat nalang ng lalaking kaibigan mo, pagseselosan na. On and off na rin kayo. May mga bagay na dati niyong gusto, ngayon ayaw na. Ganon daw talaga pag tumatagal sabi nila. Parang nagsasawa na. Pero hindi naman siguro lahat, diba?
Ganyan lang naman ang napansin ko sa isang relasyon. Masayang magkaron ng minamahal, at masakit magkaron ng kaagaw. Masakit pag hindi ka mahal ng taong mahal mo. Masakit pag niloko ka ng mahal mo. Lahat na ng klasing sakit sa puso, mararanasan mo pag nasaktan ka. Masaya pero masakit. Ganyan talaga ang pag-ibig. Magulo, masakit, nakakaasar, nakakinis pero masaya. Masarap magmahal lalo na kung ang taong mahal mo e mas mahal ka.