Sunday, February 6, 2011

Mga Nakakalokang Katotohanan

Dahil tinatamad akong mag-aral ng accounting na kahapon ko pa tinititigan pero wala pa rin akong natututuhan, minabuti ko ng break-an 'to at makipagbalikan sa tunay na nagmamahal sakin - Si BlogSpot. Ayieee. :"> Echos! Hehe.

So, anyway.. highway skyway gateway metroway.. may nabasa ako sa dati kong blogging site na Multiply na mga quotations ng iba't ibang nilalang na marunong magbasa at tumae. Wow! Bago 'yon ah? Ameyzzingggg! Isa sa mga sinasaludo kong author ay si Bob Ong na hanggang ngayon ay misteryoso ang kanyang pangalan. Bakit nga ba Bob Ong? At ano nga ba talaga ang itsura niya? Nakita niyo na? Pakita naman ako, o. :D Hihihi. Puh-lease? Ano ba yan. Balik nga tayo sa topic. Nililigaw niyo ako eh. Eto ang mga iilang quotes na nakakatanga tagala. Weh? Basta! Magbasa ka nalang.


  • Wag kang maghabol. Wag kang umasang babalik pa yan. Lalaki lang ang ulo niya. Magiging feeling siya, gusto mo?

Ayan. Magiging ganyan ang itsura niya kapag hinabol habol mo pa na parang aso ka kung makahabol. Kung hindi ka na niya mahal, iwanan mo na. Ang lalim lalim ng dagat eh. Marami ka pang makikilala dyan. Isa lang siya sa mga basura mo. Kaya yan, teh. Ha? Ano? Di ko kaya eh. Di ko pa kaya. Huhuhu. :| Ay! Male. Kala ko kasi patama 'tong post na 'to sakin. React naman ako ng bonggang bongga. Hehehe.

  • Hindi masarap ang pride. Actually, nakakalason. Wala akong kilala na naging masaya sa paglunok ng pride niya.
Ganyang ganyan ang magiging mukha mo kapag nilunok mo ang nakakalasong pride. TiKaye, pagkain po ba ang pride? Ano? Ano kamo? Anong pagkain? Pagkain ang pride? Sige, subukan mong kainin, pag masarap, sabihin mo sakin, ha? Ifi-feature kita dito sa blog ko. Kaloka. Hehe. So ayan na nga. Hindi masama lunukin ang pride ng isang beses. Siguro parte na 'yon pag nagmahal ka, diba? Umm, tungkol nga ba sa pag-ibig 'tong post na 'to? Nalilito ako eh. Chos! Hmm.. Ayos lang kung isang beses pero 'yung ilang ulit mong lunukin ang pride mo na halos mabulunan ka na ng major sobrang choke, aba teh, magpatingin ka na sa albularyong mahilig kumain ng itlog. (Itlog ng manok, ah? Manok! Wag kayong bad. Hmp. Hehe)

  • Wag mong isara ang puso mo sa kanya. Malay mo nagbago at na-realize na niya 'yung pagkakamali niya. Hmm... ay, wait! ERASE ERASE!


Anong erase erase ka dyan. Sino bang author dito? Ikaw? Author? Ha? Ha? 

Ayan na nga. Malay mo naman eh may chance pang magbago, diba? Hindi naman lahat ng pagkakataon eh masama siyang tao. Ako, oo, ako, naniniwala naman ako sa pagbabago eh. Malay mo nga naman bumalik siya na mabait na at hindi na nangangain ng pepe.. Ano ay, ang bastos naman. Nangangain kasi ng pagkatao. Kayo ha! Utak niyo. Hmp. Jejeje. :-" Wag din isara ang puso kasi malay mo may darating na mas mamahalin ka, diba? Malay mo 'yun hindi na nangangain ng.. (Oh! Ayan na naman kayo eh. Hihi) pagkatao nga. Pwede bang kainin ang pepe..(?) ay! Basta. Kinakain man o hindi. Ano ba yan. Ba't tayo napunta sa kainan. Ginugutom na tuloy ako. Huhuhu. 

Marami pa akong baon dito. Doraemon ata 'to ah. Kala niyo! Supergirl kasi ako, eh. Hihihi. :-" Abangan niyo nalang ang mga susunod na mga nakakalokang katotohanan, kung may sumunod man dito. Hehehe.

Sources: Image 1Image 2 & Image 3
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...