Saturday, February 19, 2011

Para Kang Tae. Hindi Kita Kayang Paglaruan.


Sa mga nakapanood, aware siguro kayo sa title ng blog na 'to kung saan naging famous ang line na 'yan, diba? Siguro isa ka rin sa mga kinilig kilig hangging kili-kili habang pinapanood mo. Nangangarap na sana makahanap din tayo ng lalaking tulad niya. Hindi ang part na iniwan niya si Irene sa altar. 'Yung part na lahat ng effort ginawa ni Apollo maging sila lang ulit ni Irene. Ayan na. Gets niyo na siguro kung anong movie 'yan, diba? Oo, My Amnesia Girl nga 'yan.



Ayan. Para siguradong tama ang iddownload niyo if ever man na hindi niyo pa napanood. I recommend it.. para sa mga tulad ko na umaasa pang may ganyang lalaki sa mundo. LOOOL. :-"

Ikkwento ko pa ba ang film na 'yan? Wag na. Spoiler eh. Baka lalo lang kayong masabik panooren. Hihihi. So, anyway, saan na ba tayo? Teka, sa mga hindi pa nakapanood, i-download niyo muna bago niyo 'to basahin kase malalaman niyo ang ibang part ng kwento. Konektado lang kasi ang My Amnesia Girl sa laman ng blog na 'to. Dyan din ako nakakuha ng idea kung ano nga ba ang magandang i-blog. Okay, class, let's start with..
Sabi sa census, may 11 milyon na tao sa Metro Manila. Pano mo malalaman na nahanap mo na 'yung taong para sayo? Maaaring nakita mo na siya pero yumuko ka para magsintas ng sapatos. Maaaring nakatabi mo na siya pero lumingon ka para tignan ang traffic lights. Maaaring nakasalubong mo na siya pero humarang 'yung pedicab. May mga maswerteng tao na nahanap na 'yung taong para sakanila. May mga taong patuloy pa ring naghahanap at may iba na sumuko na. Pero 'yung pinakamasaklap e 'yung nasa iyo na pinakawalan mo pa.
Familiar? Malamang. 'Yan ang unang part ng movie eh. Pero maiba ako. Pano nga ba kung hawak hawak mo na siya, yakap yakap, pero dahil sa isang maling desisyon o takot, bigla mo siyang binitawan? Mahahawakan mo pa kaya siya? Mayayakap? Makakasama? O di kaya naman e makikita pa? Pano mo nga ba malalaman na siya na ang para sayo? Sabi nga nila, kung para sayo, para sayo talaga. Kahit maghiwalay man kayo ngayon, darating din ang tamang panahon, ang tadhana mismo ang gagawa ng paraan para magkita kayo. Pano kung the other way around ang nangyare? Pano kung wala ng second chance? Pano kung hindi talaga kayo ang para sa isa't isa?

Dami kong tanong. Alam mo ba kung anong sagot sa mga tanong na 'yan? Hindi ko nga rin kasi alam kung pano eh. Hehehe. Hirap, diba? Ang sakit na nga ng ulo ko kakaisip eh. Ewan ko ba kung bakit ako tanong ng tanong. Hihihi.

To make it short, iniwan ka ng taong mahal mo. After ilang years, na-realize niya na mahal na mahal ka niya at nagkita ulit kayo. At syempre, ikaw na may galit at hinanakit sa kanya. Kunwari ayos ka lang at nagkunwaring may amnesia para hindi niya makita kung gano kasakit ang nagawa niya pero deep inside, ganito ka;


 So, basically, alam niyang wala kang matandaan sa ginawa niya sayo and he wants to win you back. Pano? (Nagtatanong na naman ako. Hehehe) Ganito:
  • Nag-prepare ng bonggang bonggang birthday party para sa birthday mo pero hindi mo alam at sinet-up ka nila. 

At ikaw naman nagulat ka. Hindi mo alam kung matutuwa ka o magagalit lang kasi in the first place, sinaktan ka niya ng major major.

Alam ko. Ang O.A ng GIF. Wala na kasi akong mahanap na hindi sobrang gulat na kala mo naman nakakita ng multo. Ajejeje.

Kung ikaw ang nasa lugar ni Irene, matutuwa ka ba sa suprise ni Apollo sayo? Kikiligin? O wala lang. Dedma nalang. Sino ba siya? Dakilang ex lang naman? Iba iba ang magiging pananaw ng isang babae sa sitwasyong tulad nito. Siguro kikiligin ka nga sa effort na ginawa niya para lang i-surprise ka sa birthday mo, kasama pa ang family mo, right?
  • Pano kung lahat ng utos at gusto mo, sinusunod at binibigay?

Like a boss 'yan. Hindi lang halata masyado. Hahaha. So, ayan ka. Like a boss nga eh. Utos dito. Utos doon. Lahat ng gusto mo, binibigay sayo. Lahat ginagawa para sayo. Kulang nalang e pati ang sarili nila ibenta maibigay lang ang gusto mo. Prinsesang prinsesa lang naman ang dating mo. Wala silang kapaguran pagdating sayo. Nakakainis. Halatang may gusto eh. Halatang bumabawi. Halatang wala na akong masabe. Hehe. Sorry naman.
  • Pano kung bigyan ka ng 27 gifts sa pasko? (Or kung ano man ang edad mo ngayon.)


Malamang magtatalon ka sa tuwa, diba? O kung hindi man magtatalon, sasayaw, o di kaya naman kakanta, sisigaw o kung ano pa man. Wag kang plastic. Malamang matutuwa ka 'pag binigyan ka ng maraming regalo, diba? Magpakatotoo na tayo. Hehehe. Kahit naman ako eh. Bigyan ba naman ako ng maraming gifts. Hihihi. Pero syempre, di pa rin mapapalitan ng material na bagay ang lahat ng luha at sakit na binigay niya. Nandun pa rin 'yung galit at hinanakit mo kahit ilang regalo pa ang bigay niya.
  • Pano naman kung lagyan ng ng sticky note ang buong bahay niyo at nakasulat doon kung bakit ka niya mahal?

Hanggang Zimbabwe na ata ang kilig mo pag ginawa niya 'to sayo. Todo effort na 'to kung tutuusin. Ang hirap kaya niyan 'no. Pero bilib din naman ako eh. Parang walang dumaan na hangin at walang natangay sa mga sticky notes na nakadikit sa pader ng bahay. Haha. Critic pa eh. Pero seryoso, hindi mo pa ba siya mapapatawad sa lagay na 'yan? Hindi mo pa ba makakalimutan ang lahat ng sakit? Ang lahat ng luha na nilabas mo? Ang lahat ng sugat sa puso mo? Oo, mahirap. Mahirap kung ano ang mararamdaman mo. Pero sa lahat ng effort niya, malamang mahulog ka na ulit sa kanya.

Ilan lamang 'yan sa mga totoong effort. Mararamdaman mo talaga na he wants to have you back in his life. Pero ang masakit lang e bakit kailan pang saktan ka bago ma-realize na mahal ka talaga niya, na ayaw ka niyang mawala sa buhay niya. Nakakainis. Kailangan mo pa bang magkunwaring may amnesia para lang gumawa siya ng paraan para iparamdam sayo na mahal ka niya? Bakit hindi nalang 'yung habang kayo, e give and take na. May effort na. May appreciation na. 

Pero sabi nga nila, sa mga pagkakamali natin, natututo tayo sa buhay. Siguro nga kailangan pang mawala ng isang tao o bagay bago natin malaman kung gano sila kahalaga sa buhay natin.

At kahit anong amnesia pa ang gawin mo, lalabas at lalabas pa rin ang sakit na dala mo. Oo, matatago mo for the meantime pero darating ang oras na ilalabas mo din eto. Parang ganito lang:


Para ka ng baliw sa kakaiyak mo dahil iniwan ka niya. Kulang nalang ihampas mo sa pader ang ulo mo o di kaya naman e tusukin ng ice pick ang mata mo. Joke lang. :-"

Kaya mas maganda na siguro 'yung pahalagahan na natin ang mga taong mahal natin, diba? Bago pa mahuli ang lahat. At wag na nating hayaang mawala pa sila bago natin ipakita kung gano natin sila kamahal. Magulo ang buhay. Hindi natin alam kung ano ang mangyayare bukas kaya do what you have to do before it's too late.

Source:
http://www.tumblr.com
http://www.google.com
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...