Thursday, January 20, 2011

Bata Ka Pa, Wag Kang Magmadali

Bata, bata, bata ka pa.

Hindi ko alam kung bakit may mga batang edad 11-15 ang nagpupumilit na magdalaga na. Ano ba. Sinasayang lang kasi nila ang mga pagkakataong meron sila eh. Ang sarap kayang maging bata. Pag nasugatan ka, ilang araw lang, gagalingan na. Eh pag nagdalaga ka na? Kahit ilang linggo mo pang iyakan ang nasugatan mong puso, wala, wasak pa rin.


Bakit ko nga ba biglang naisipang gawan ng blog 'to? Simple. Ang dami na kasing mga kabataan ngayon ang nagdadamit dalaga na. Oo, wala namang masama kung gusto nila eh. Kaso O.A na minsan. Madalas akong makakita ng mga ganito sa Tumblr. Pagkakita ko ng mga pictures nila, akala ko naman mga 17 years old. Hala! Pagkabasa ko ng about me nila, 13 or 14 palang. At kung umasta pa kala mo ang dami ng alam sa buhay. Nakakainis. Hindi nila alam kung ano ang namimiss out nila sa buhay. Ang dami pa nilang pwedeng gawin aside sa pagpacute sa Tumblr or facebook. Oo, marami. As in marami sila. And it's already contagious..

Labing siyam na ako. Oo! Isang taon nalang ay baybay teenage life na ako. Pero kung tutuusin, mukha lang akong 15 or 16. Dahil na rin sa height ko at porma. Hindi rin ayako mahilig magpacute sa kahit ano mang social network site. Simple. Yun ang kategorpero ya pero teka lang. Hindi yun ang topic. Ang topic eh kung bakit lulong na lulong ang mga kabataan na pagpakadalaga na. Masaya, oo. Pumoporma ka na. Nagmmake-up at kung ano pang kakikayan ang gusto mo, ayos lang. Buhay mo naman yan eh. Ang akin lang eh bakit hindi nila subukang namnamin ang mga panahon habang sila ay bata pa?

Nung panahon namin, sa edad na labing tatlo, naglalaro pa ako ng chinese garter o di kaya naman tumatakbo sa labas ng bahay. Masaya. Masayang maglaro kasama ng mga kaibigan. Barbie, tagu taguan, bahay bahayan, patintero at kung anu ano pang pwedeng laruin pagkatapos mag-aral. Napakasarap balik balikan ang mga oras na yun. Wala kang ibang problema kung hindi ang nasugat mong tuhod, ang pawis mong likod o di kaya naman e ang amoy araw mong kalaro. Halos lahat ng lakas mo, binibigay mo para lang matalo ang mga kalaban niyo. Ang sarap maging bata.

Siguro dala na rin ng modernong panahon ang pagiging ganon ng mga kabataan ngayon. Hindi ko naman sila masisisi dahil marahil yun na ang nakagisnan nilang buhay. Pero kung ako sa kanila, hihintayin ko nalang na lumaki ako. Dahil pag ikaw tumatanda na, dun mo gugustuhing maging bata ulit. Kaya habang may oras ka pa para magsaya sa buhay bigla ng isang bata, gawin mo na bago mahuli ang lahat.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...